RF: Nagkikimkim ako ng galit.

Kung baga, naiipon lahat ng ginagawa sa akin. Lalo na yung mga malalapit sa akin. Kahit na parati akong masaya kasama nila. Pero kung sobrang sakit yung nararamdaman ko, sobra din ako magalit. Pero tinatago ko lang to. Kaya naluluha lang ako minsan kung hindi ko na kaya. Kaya naiipon kasi hindi ko nilalabas or wala akong pinagsasabihan. Pili lang. Yung piling taong yun hindi ko pa sinasabi ang lahat. Kasi ayoko rin silang mag-alala dahil sa akin. Alam kong mali yun, pero ewan ko ba. Gusto kong baguhin ‘to pero hindi ko maalis sa sarili ko. 

(Source: harryngpadala)