Bakit kapag baksayon, parang nararamdaman ko na ang bilis ng oras? Kahit na wala akong ginagawa ang bilis pa rin. Pero kapag may pasok ang bagal-bagal. ‘Yung tipong gusto mo na matapos lahat ng exams mo pero ang tagal pa din. Sana naman kahit papano humaba ‘yung bakasyon para iwas muna sa stress ngayon. 

(Source: harryngpadala)

Hindi pa nga nagkakaroon ng commitment sa isa’t-isa mahilig ka ng magsinungaling. Paano pa kaya kapag nagkaroon na ng commitment? Sanay na sanay ka na nyan! 

(Source: harryngpadala)

Nakaka-pagod na din pala. ‘Yung mga bagay na nasa palaigid mo. Nakaka-pagod na din. Pero hindi porke pagod ka na aayaw ka diba? Siguro ang dapat lang gawin magpahinga ka muna. Para maging ready ka na sa susunod. Para magawa mo na lahat ng kaya mo. Para hindi na pumasok sa utak mo na hindi mo na kaya at umalis ka na lang. 

(Source: harryngpadala)

Grabe pre! Ngayon lang ako naiyak sa finals. Pero nung first term naman hindi naman ako naiiyak pagkatapos. Ngayon lang talaga. Hindi ko alam nararamdaman ko. Halo-halo. Ang gusto ko na lang ngayon ay matulog at kumain. Ayoko ng may kausap o kaya kahit ano pa. Gusto kong mag-isa lang ngayon. Gusto ko isipin yung mga mali ko para may masasabi akong “Lesson Learned”. 

(Source: harryngpadala)

May pag-asa pa kayang mapansin mo ko? :( 

(Source: harryngpadala)

Minsan talaga kahit na kailangan, hindi mo pa rin makukuha dahil sa mga nakapaligid sa bagay na ‘to. O kaya naman dahil sa distansya. Pwede ring may sadyang pumipigil sayo.  

(Source: harryngpadala)

Gusto ko sumayaw!! Naiinggit ako sa mga sumasayaw sa school. Kasi ako wala akong sinalihan or what. Kasi naman patayan eh. Kapag sumali ka, pwedeng mapabayaan mo yung pagaaral mo. Di naman pwede yun. Nakakainngit lang!

(Source: harryngpadala)

Kapag may nagsabi sa akin na natuwa sila nakilala nila ako, matutuwa ako ng sobra! Alam kong mababaw lang pero nakakatouch kasi. Hindi ko maexplain kung ano yung nararamdaman ko. Kasi kahit na ganto ugali ko, may masaya pa din pala na nakilala nila ako. 

(Source: harryngpadala)

Hagulgol sa iyak. Kagabi. Hindi alam kung ano ‘yung pinakamatinding dahilan kung bakit tumutulo ang mga luha kagabi. Siguro mababaw para sa iba ‘yung dahilan pero para sakin mahalaga ‘yun. 

(Source: harryngpadala)

Alam mo? Ang tanga tanga ko kasi minahal kita. Pero hindi ko naman pinagsisisihan yun! Masaya pa nga ako na minahal at minamahal kita. Ang saya ko din kasi nangyari ‘yun sa buhay ko ngayon. 

(Source: harryngpadala)