If Only I could turn back the time.

I realized na tama ‘yung movie na If Only. Hangga’t may oras pa, mahalin mo ‘yung mga taong nasa paligid mo. Pahalagahan mo sila katulad ng ginagawa nila sayo. Ang sarap ng nagmamahal at minamahal ng mga taong nasa paligid mo. Huwag mong sasayangin ‘yung mga oras na hindi sila kasama o para balewalin lang sila. 

(Source: harryngpadala)

  • Girl: Ano yang nasa likod mo?
  • Boy: Tattoo yan, sa Boracay pa nga ako nagpatattoo eh.
  • Girl: Ay talaga? Tattoo yan?
  • Boy: Oo, bakit?
  • Girl: Kala ko kasi libag mo yan. Kakulay na kasi ng balat mo eh.

Ang dami talagang maarte sa mundo. ‘Yung sa ibang tao bagay naman ang pagiging maarte. ‘Yung sa iba naman, sadyang hindi eh. Saan ka dyan? 

(Source: harryngpadala)

Napakamalaking mali na pinilit kita. Kasi eto ang naging resulta, walang kwenta. Walang pinatunguhan, walang ginawa kung hindi magbigay ng kalungkutan. 

(Source: harryngpadala)

  • Sabi ng:
  • Nagkamali: Pasensya na! Tao lang, nagkakamali.
  • Positive Thinker: Tao ka nga lang nagkakamali, pero kaya mo namang iwasang magkamali ah?
  • Perfectionist: Ako nagkakamali? Kailan? Hindi kaya!

Gusto ko na kalimutan lahat! Kahit na mahirap pero kailangan para rin naman sakin ‘to.  Gusto ko na makalimutan yung mga immature na ginawa ko. Hindi lang kalimutan kundi baguhin na din. Gusto ko na magmature kahit papano. Sana magawa ko. Gusto ko maghandle ng isang realtionship, pero bago lahat ng yan kailangan ko munang paghandaan yan. Ang dapat ko munang gawin ngayon ay mag-aral at maging masaya at i-enjoy ang buhay kasama ng pamilya at mga kaibigan ko. LIVE LIFE TO THE FULLEST ika nga ng iba.

(Source: harryngpadala)

Tatanungin ko sana kung bakit tayo nagkakaganito. Eh naalala ko wala naman palang “TAYO”. 

(Source: harryngpadala)

Wag kang mag-inarte na hindi ka nya tinetext ng taong gusto mong makatext. Wala ka ngang ginagawa eh, hindi mo siya tinetext. Pano kaya yun? 

(Source: harryngpadala)

Problema ba ako? Ay hindi! Kapag problema, mahalaga. Kaya isa lang ako sa mga istorbo sayo na sinasayang ang mga oras at panahon mo na dapat sa problema mo ituon. 

(Source: harryngpadala)

Hindi lahat ng Goodbyes, malungkot at hindi lahat ng Hi masaya. Katulad na lang na mag-Goodbye ka na sa terror mong professor pero mag-Hi ka na sa mga bagsak mong grades. 

(Source: harryngpadala)