Paano kung back up plan ka lang pala para sa kanya? Masakit ba o sadyang nasasanay ka na? Pero una sa lahat hindi ka naman dapat maging OA. Katulad ngayon, akala mo ba ikaw ‘yun? Asa ka naman! Hindi ka nga special para sa kanya. Pero makaturing ka sa kanya ng sobrang special akala mo ikakamatay mo ng mawala siya. Masanay ka na lang. Intindihin mo na lang ‘yang pag-aaral mo pwede? Wag ka munang isipin ‘yan. Kalimutan na ang lahat, okay? Kaya mo ‘yan!!!
(Source: harryngpadala)
Hindi ba kapag naghihiwa ka ng sibuyas minsan napapaluha ka kasi dahil sa katas? Gumanganti lang yung sibuyas sayo kasi hinihiwa mo. Parang sa pag-ibig lang yan. Kapag sinasaktan mo yung taong nagmamahal sayo darating ang panahon na iiyak ka dahil sa mga ginawa mo.
(Source: harryngpadala)
Bakit kailangan umaabot sa punto na nagsisisi ka sa mga desisyon mo?
Siguro kasi hindi ka sigurado sa naging desisyon mo nung iniisip mo pa lang ito. Siguro kasi hindi naging tama ‘yung desisyon. O kaya naguluhan ka lang kaya ‘yun na agad ‘yung desisyon mo. Pero hindi mo naman na mababago ang naging desisyon mo diba? Kaya kahit nagsisisi ka na panindigan mo at gawin mo ang lahat para maging tama ang mga desisyon mo.
(Source: harryngpadala)
It’s already 2013!!!
First day of the year.
Ngayong 2013, iwanan mo na ang mga pagkakamali mo noong 2012. Ngayong may bagong taon ng dumating, pilitin nating maging makabuluhan ang taong ito. Kasama ng mga kaibigan natin, pamilya at lahat ng minmahal natin. Sana maging positibo tayo buong taon! Kaya natin ‘to!
(Source: harryngpadala)
Happy New Year!!
Two years na din ako dito sa tumblr. Tibay! Hindi pa rin nagde-deactivate. Pero this past few days ang inactive ko. Pasensya na ha? Eto rin ‘yung magne-New Year ako na college na ako. By the way, Happy New Year and God bless everyone. Ingat tayo sa paputok.
Nagpapasalamat ako na nakilala ko ‘yung mga kaibigan ko ngayong taon. Salamat din na naging bahagi sila ngayong taon. Ang swerte-swerte ko sa kanila.
Ngayong matatapos na ‘tong 2012, kahit papano masasabi ko namang masaya. Kahit na maraming problema dumating. Sa pamilya, sa mga kaibigan at sa pag-aaral. Pero masaya pa din ako, dahil sa mga problemang ‘to mas nakilala ko sarili at naging matatag naman ako kahit papano.
Syempre, ngayong taon hindi naman mawawala ‘yung mga pagkakamali. Hindi ka tao kung wala kang pagkakamali. Kaya sa mga pagkakamaling ginawa ko sana hindi ko na maulit. Madami-dami din ‘yun. Haha! Ayoko na balikan ‘yung mga pagkakamali kong ‘yun.
Sa darating na 2013. Sana maging masaya kahit na may mga problemang dumating. Sana kayanin at maging blessed pa rin ‘yung family this coming New Year. Sana din tumagal pa ako dito sa tumblr. Kahit papano! Masaya ako. Hindi lang ang ako kung hindi tayong lahat! :)))
(Source: harryngpadala)
Naranasan mo na ba maging second option? ‘Yung tipong napipilitan na ‘yung mga tao sa iyo. Napipilitang kausapin ka, napipilitang lapitan, napipilitang maging kaibigan ka. Basta napipilitan kasi ang nasa isip nila wala na sila ibang mapipili maliban sa iyo. Napipilitan lang kasi wala na sila ibang mapili.Masaklap yun! Lalo na kung mahalagang tao pa ang gagawa sa iyo. Hindi mo alam kung ano mararamdaman mo. Kasi hindi mo naman alam kung bakit niya nagawa ‘yun. Pero para sa parte ko, masakit ‘yun. Kasi parang lahat ng ginagawa sa iyo ng mga tao, akala mo sincere pero ‘yun pala hindi pala totoo. Kaya masakit lang din malaman. :(
(Source: harryngpadala)
“Nakakapagod ngayong araw!” o ”Pagod na pagod na ako!”
Sa bawat pagod mo ba masasabi mong sulit o “worth it” ito? Sa lahat ba ng ginagawa mo sasabihan mo na agad na “nakakapagod”? Minsan kasi hindi mo masasabi kung talagang sulit ba ang pagod mo ngayong araw. Kasi kung ‘yung pagod mo ay galing sa kakaupo lang at walang ginawa kundi tumunganga, hindi naman ata kapantay ng pagod ng mga taong naghihirap talaga. Kasi kung iisipin natin ng maigi, kung nagrereklamo ka na pagod ka na kung ang ginagawa mo lang naman ay walang saysay hindi ba dapat isipin mo ‘yung mga nagpapakahirap para sayo at nagpapagod para buhayin ka? Sana sa bawat reklamo natin sa buhay, maisip muna natin ang mga naghihirap para sa atin.
(Source: harryngpadala)
Bigla akong tumamlay. Siguro dahil nga ngayon yung showing of grades kaya ganun. Hindi ko alam gagawin ko. Srsly. Sana maging okay lang ako dito. Haha. Kaya ‘to! God bless na lang sa lahat.
(Source: harryngpadala)
Ayoko ng pilitin pa. Ayoko na rin pagsiksikan ‘yung sarili. Ayoko na.
(Source: harryngpadala)
Sayang pala ‘yung mga araw na hindi kita kasama. Sana pala sinulit ko ‘yung mga araw na ‘yun, kung alam ko lang na hindi na pala masusundan ang mga araw na’yun. Mga araw na masaya ako kapag kasama ka. Mga araw na nagpapangiti sa akin. Mga araw na hindi ko makakalimutan.
(Source: harryngpadala)
