Kagabi iniisip ko kung paano makakabawi sa kanya. Kasi ang dami kong utang eh. Kahit na wala akong matanggap pabalik basta makabawi lang sa kanya. Nahihiya kasi ako sa kanya. Iniisip ko talaga yun hanggang magalas dos na hindi pa din ako makatulog. Sana makaya ko. Sana magawa ko.
Hindi sigurado sa nararamdaman ay isa sa mga pinakamahirap pagdesisyunan. Kasi hindi mo talaga alam kung ano bang padedesisyunan mo.
Sa pagiging mag-isa mo, malalaman mo na mahirap at malungkot kapag wala kang kasama sa buhay.
Siguro kaya nawawalan ng gana ang isang tao sa isang bagay kasi hindi na nila kaya na nasasaktan sila.
First day for Fourth Term
Medyo nakakapagod kasi nga sobrang init kanina. As in! Akala mo hinihigop ng init yung energy mo. Pero ang masasabi ko naman so far so good. (Pero yan din yung sinabe ko nung last term, tignan mo ngayon may bagsak. Hahahahah) Pero kinakabahan ako tuwing papasok sa mga classroom ko kanina. Ewan ko kung bakit, pero ayun nga. Natatakot ako. Pero kakayanin ko ‘to!!! :)
(Source: harryngpadala)
Good news! Nagkita kami ng hindi sinasadya. Bad news! Hindi nagpansinan. May dahilan siguro siya kung bakit hindi nya ako pinansin. Eto lang naman yung mga nasa isip ko:
- Siguro dahil hindi niya talaga ako nakita?
- Siguro talagang snob talaga siya kasi taga-UP na siya? (Pero syempre joke lang yun. Hihihihi)
- Siguro badtrip siya nung mga panahon na yun, kaya wala syang panahon para sa akin?
- Siguro hinihintay niyang ako ang mag-hi sa kanya? (Wow ang pogi ko naman para sa option na yan, hindi yan panigurado!)
- O siguro sadyang ayaw nya na ako makita kaya siguro hindi na niya ako pinansin? :(
(Source: harryngpadala)
Kapag kasama ko yung mga kaklase ko nung high school hindi ko maipagmalaki na sa Mapua ako nagaaral. Eh kasi naman, panay bagsak ako. Anong maipapagmalaki ko dun? Tapos silang lahat ang gaganda ng grades, tapos parang nahihiya sila kapag may tres sila pero para sa akin nagpapasalamat ako na pumasa pa ako. Yung iba din kong kaibigan dean’s lister pa. Ganun siguro ako kabobo kaya eto ako. Samahan mo pa ng pagiging tamad ko.
(Source: harryngpadala)
Random Fact:
Nawawala talaga ‘yung inis at lungkot ko kapag nakikinig ng music. Madalas pampatanggal din ng stress ngayon college. Ang sarap-sarap sa tenga ng musika!
Mahalaga ang taong ‘yun kapag dumating yung panahon na iniiyakan mo na siya.
(Source: harryngpadala)
Sana bigyan tayo ng pagkakataon ng panahon na maging tayo.
(Source: harryngpadala)
